610
Duterte pwedeng magdeklara ng Martial Law sa Metro Manila - Panelo
Jul 18, 2019 @ 15:56
By

Duterte pwedeng magdeklara ng Martial Law sa Metro Manila – Panelo

Maaaring magdeklara ng Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte kung aabot ang terorismo sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masyado umanong inaalala ng Pangulo ang nangyaring kambal na pambobomba sa bayan ng Indanan, Sulu ng Abu Sayyaf Group.

“Yon nga ang kinakatakot niya kasi may suicide bomber na. He’s very concerned of that. Kaya ‘di ba nag-warning siya sa enemies of the state, don’t force my hand into it. I will not allow the disintegration of this country,” wika ni Panelo.

“Di ba sinabi ko na. He can declare Martial Law, he can declare revolutionary government, he can use other emergency powers under the Constitution to quell whatever violence or any attempt at destroying this Republic. Pwede niyang gawin lahat ‘yon. The military or all the Armed Forces of the Philippines, under the Constitution, are obligated to protect the people. The President can use the Armed Forces of the Philippines,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?