37
Palasyo sa NPA: Tigil-extortion bago peace talks
By

Duterte pursigidong manalo ang mga kandidato ng administrasyon – Panelo

Masisilayan muli ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng mga nakalinyang schedule ng Presidente para ikampanya ang mga kandidato ng administrasyon sa huling linggo ng kampanya para sa midterm elections.

Ayon kay Panelo, sunod-sunod ang schedule ng Pangulo sa mga darating na araw sa Bohol at Davao para hilingin ang suporta ng mga botante sa mga manok ng administrasyon.

Mahalaga aniya kay Pangulong Duterte ang eleksiyon ngayong Mayo para may katuwang ito sa pagsusulong ng mga mahahalagang panukalang batas na kailangan para sa pag-unlad ng bansa.

Dahil dito, pursigido aniya ang Presidente na manalo ang mga kandidato ng administrasyon para may susuporta sa mga pagbabagong nais ipatupad ng kanyang administrasyon.

“Mas maganda iyong naroroon ay iyong tutulong sa kanya. And ‘yung mga ini-endorse niya, ang feeling niya roon, these are the people that can help me pursue the goal towards uplifting the lives of our countrymen,” ani Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?