5

Aug 30, 2020 @ 20:34
By

Duterte pupunta sa Jolo blast site

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya’y bibisita sa Jolo, Sulu kasunod ng nangyaring magkasunod na pagsabog na kinamatay ng abot sa 15 katao.

Saad ni Duterte, kanyang titingnan ang kalagayan ng mga sundalo at pulis matapos ang twin blast sa nasabing lugar.

“I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast site. Mabigyan ko lang ang mga sandalo natin, mga sundalo ko, mga pulis ko ng importansya sa kanilang kamatayan,” ayon sa Pangulo nitong linggo sa ‘Singing for the President’ online concert.

Aniya pa, kanyang gagampanan ang kanyang tungkuling bilang commaner in chief.

Sa naturang pagsabog, walong sundalo ang nasawi matapos na puntiryahin ang isang military truck malapit sa isang food stall at computer shop sa Barangay Walled City.

Hindi pa dito natapos dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay niyanig muli ang lugar ng pagsabog sa harapan naman ng isang bangko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?