19

Jan 19, 2021 @ 19:51
By

Duterte: Presyo ng COVID vaccine ‘di puwede ilantad

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga non-disclosure agreement (NDA) ang pumipigil sa gobyerno para isiwalat ang eksaktong halaga ng mga bakuna laban sa coronavirus ng mga supplier.

Sa pre-recorded address kagabi, sinabi ng Pangulo na laging kasama ang NDA sa mga paunang kontrata sa mga pharmaceutical company.

“Every negotiation ibang agreement na naman ‘yan. It does not involve money. But one thing is certain: you cannot divulge the contract price agreed upon,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“They cannot reveal the price kasi it will resort na malugi ‘yung iba — in some countries malugi sila, ‘yung ibang countries, hindi pare-pareho,” dagdag niya.

Binanggit din niya na ang pagbubunyag sa presyo ng bakuna bago pa maselyuhan ang deal ay magiging isyu sa kredibilidad ng gobyerno.

“Any other deal that you may enter in the future, again it will suffer a snag because they cannot really wait or they refuse to find out why this peculiar thing about non-disclosure is always included in the preliminary contracts that you sign with the manufacturers,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?