915

Nov 22, 2021 @ 20:37
By

Duterte: Presidential bet nagdodroga sa yate o ere

May bagong detalye si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa presidential aspirant na tumitira umano ng cocaine.

Aniya, nagdodroga ang presidential aspirant habang nasa yate o nasa ere.

Sa kanyang talumpati sa General Santos City, inulit ng Pangulo ang pasabog na isang tumatakbo sa pagka-pangulo ang gumagamit ng iligal na droga.

“Sabihin ng pulis, bakit hindi natin hinuli? Hindi mo alam ang mga mayaman, they go on a yacht or in the air, doon ‘yun sila magsupsop ng ano nila,” anang punong ehekutibo.

Noong Huwebes sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate ang cocaine user, at isang weak leader maliban sa kanyang pangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?