271

Jan 4, 2018 @ 11:52
By

Duterte, posibleng mag-ala-Marcos – Alejano

Pinababantayan ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa publiko ang transitory provision ng isinusulong na federal constitution.

Ito’y dahil sa posibilidad na mabigyan ng “absolute power” si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang inaasam nito sa revolutionary government.

Paliwanag ni Alejano, ang bersiyon na tinatalakay ngayon sa Kamara at naglalaman ng transitory provision kung saan bubuwagin ang Kongreso at ibibigay ang legislative powers sa presidente hanggang sa maitatag ang federal assembly.

Babala ng kongresista, maaaring abutin ng ilang taon ang transition period gaya ng ginawa ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa transitory provision ng 1973 Constitution.

“We would see a repeat of Marcos as we are seeing many similarities already. Duterte is certainly reading Marcos’ playbook,” sabi ni Alejano. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?