6

Mar 5, 2021 @ 15:58
By

Duterte pinuri si Briones: Matanda na pero napakatalino

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kakayanan ni Department of Education Secretary Leonor Briones.

Sa naging talumpati niya sa inagurasyon ng school building sa Valenzuela City noong Huwebes, sinabi niyang may edad man si Briones, 80, pero napakatalino pa rin nito.

“Nandiyan si Secretary Briones. She’s maybe old but she is a brilliant,” saad ng Pangulo.

Hanga rin ang Presidente sa academic at professional competency ni Briones.

Si Briones ay dating professor ng University of the Philippines (UP) at treasurer ng Pilipinas.

“Well, she is a professor of UP. Maybe summa ka ba, ma’am?” tanong ni Duterte kay Briones.

“She was our national treasurer. So alam niya ang pera talaga gaano kahirap kunin,” dagdag niya.

Pinapurihan ng Pangulo si Briones habang ipinagdiriwang ng bansa ang “National Women’s Month”.

Bago naging Education secretary, naging pinuno si Briones ng Silliman University Board of Trustees, at regent at chair-designate ng Universidad de Manila.

Nagtapos siya ng business administration degree sa Siliman University at isang magna cum laude.

Mayroon din siyang master’s degree in public administration sa UP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?