10

By

Duterte, pinayuhang ‘wag lumabas sa Batasan sa SONA

Sharing is caring!

Walang namo-monitor na banta ang Kamara sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Sinabi ito House sergeant-at-arms Roland Detabali sa gitna ng preparasyon para sa ikatlong SONA ng Pangulo.

Pero kung noong nakaraang taon ay lumabas sa Batasan Pambansa Complex ang Presidente para kausapin ang mga demonstrador, pinayuhan ni Detabali ang Pangulo na huwag na itong ulitin ngayong taon.

Kinausap na raw nila ang Presidential Security Group tungkol dito.

Sabi ni Detabali, maaaring ang mga lider na lamang ng mga grupong magra-rally ang imbitahan sa loob ng Batasan pagkatapos ng SONA.

“He might invite them, the leaders might be invited after the SONA dito sa loob. That’s what we are preparing but of course according to the police they are also preparing for anything,” ani Detabali.

Gaya ng nakaraang taon, muli ring magpapatupad ng 3-araw na lockdown ang Kamara bago ang mismong araw ng SONA.

“Only those who have access to work here to deliver supplies and work on the facilities preparing for the SONA will be allowed access,” ayon kay Detabali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?