109

Nov 25, 2017 @ 12:31

Duterte pinarangalan ng San Beda, First Scout Ranger Regiment

Binigyan ng pagkilala ng kanyang alma mater si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “Bedan of the Year” sa San Beda Law Alumni Homecoming sa The Peninsula sa Makati City.

Sa kanyang naging talumpati, hinikayat nito ang kanyang kapwa mga alumni na maging kabalikat ng mga Pinoy para sa pagbabago at pag-unlad.

“Together, let us join hands with the Filipino nation in leading the way for change and progress,” aniya.

Nakapagtapos ng kanyang kolehiyo si Duterte sa San Beda College of Law, taong 1972.

Kaugnay nito, binigyan din ng Honorary Scout Ranger Badge ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) ang Pangulo bilang pagkilala sa pagpapamalas nito ng suporta sa special operations command unit ng Philippine Army (PA) na ginanap sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan sa 67th Founding Anniversary ng FSRR.

Ang tsapa ay ibinigay ni FSRR commander Brigadier General Rene Glen Paje sa Commander-in-Chief, na dumating na naka-uniporme ng Scout Ranger.

“For invaluable support extended to the First Scout Ranger Regiment, President Duterte on many occasions manifested great concern for the welfare of Scout Rangers and inspired its officers and men to their mission,” ayon sa binasang pahayag.

Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Duterte na suportado niya ang tropa ng mga sundalo sa pagdepensa sa bansa laban sa mga banta tulad ng terorismo.

“Our people depend on the military and the government to give them the stable, orderly and prosperous nation that they desired for so long,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?