217

By

Duterte pinalakas ang loob ng PHL Team na sasabak sa Asian Games

Sharing is caring!

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes ang send-off ceremony sa basketball team ng Pilipinas na sasabak sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na bagamat hindi sapat ang panahon para makapaghanda ang team, bibigyan aniya sila ni Pangulong Duterte ng pampalakas loob sa gagawing send-off ceremony.

Nalungkot aniya sila ni Pangulong Duterte nang malamang hindi lalaban ang Gilas Pilipinas sa Asian Games kaya kinausap nila ang mga opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) at napapayag na magpadala ng team.

Kilala aniya ang mga Pinoy na palaban at hindi susuko, lalo na sa basketball kaya nagpursigi ang Malacañang na makapagpadala sa Asian Games.

“Malungkot na wala tayong ipapadala sa Asian Games kaya maraming salamat kina sir Manny Pangilinan, Ricky Vargas, Al Panlilio and Ramon Ang sa full support. Full support dito ang PBA at ang Board of Directors sa pagpapadala,” ani Go.

Naniniwala ang kalihim na malaking tulong si Fil-Am player na si Jordan Clarkson kung makukuha para maglaro sa Philippine team kayat abangan aniya ang developments at ipagdasal ang koponan sa kanilang mga magiging laro laban sa team ng Kazakhstan at China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?