52

By

Duterte pinahigpitan ang seguridad sa muling pagbomba sa Sultan Kudarat

Sharing is caring!

Mariing kinondena ng Malacañang ang panibagong insidente ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkasawi ng isang tao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente at patuloy na nakakatanggap ng update mula sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Roque na ikinalungkot nila ang pagkamatay ng inosenteng biktima at ipinagdarasal nila ang agarang paggaling ng mga nasaktan at nasugatan sa malagim na insidente.

“We strongly denounce the latest attack in Isulan, Sultan Kudarat.

We are deeply saddened by the death of one innocent victim, per initial report, and pray for the swift recovery of those injured,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na iniutos ng Pangulo sa PNP na paigtingin ang poiice visibility at pagpapatrolya at higpitan ang ipinapatupad na seguridad para sa kaligtasan ng mamamayan.

Hinikayat ni Roque ang mga residente sa Sultan Kudarat na i-report ang mga mapapansing kahina-hinala sa kanilang komunidad para mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng malagim na pambobomba.

“We ask the residents to report anything suspicious to the authorities as we bring to justice all culprits behind this dastardly attack,”dagdag pa ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?