19

Jul 1, 2020 @ 13:13
By

Duterte pinahahakot mga stranded kay Año

Inatasan ni Presidente Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na tipunan ang lahat ng mga locally stranded individual, gayong sasagutin aniya ng gobyerno ang pangkain at tutuluyan ng mga ito.

Nasaksihan kasi umano niya ang mga LSI na natutulog na sa karton sa labas ng mga airport teminal ng Ninoy Aquino International Airport.

“I would like to remind si General Año to gather all na naghihintay ng walang matulugan, matirhan, at nandiyan sa labas ng NAIA, you will be transported to a place. I will pay, just bill me, pati pagkain,” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan, Martes ng gabi.

“Maghanap lang ng mga karinderya baka budget magreklamo. Wag kayong magkain ng mahal,” utos pa niya sa kalihim.

Ilang libo ang mga LSI na dumako sa NAIA at umaasang makabiyahe sa limitadong air travel, dulot ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito, inatasan din ni Duterte si Transportasyon Secretary Arthur Tugade na sibakin ang ilang restaurant sa paliparan, para dumami ang mga upuan doon para sa mga LSI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?