sereno1
By

Duterte pinagre-resign ni ex-Chief Justice Sereno

Sharing is caring!

Ngayon tinanggal na siya sa puwesto, naging mas matapang na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang pagbatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi ni Sereno na dapat nang magbitiw sa puwesto ang Pangulo sa pagsasabing ito ang puno’t dulo ng kaguluhan sa hudikatura.

Aniya ilang beses nang sinabi ng Pangulo na magbibitiw siya sa puwesto ngunit hindi naman nito ginagawa kasama na ang mariin pagtanggi na may kinalaman siya sa mga hakbangin para mapatalsik sa puwesto ang dating Punong Mahistrado.

“We have heard many times that you would resign… Maybe you would say this is only a joke? Well now is not the time for jokes,” ang madiin na mensahe ni Sereno sa Punong Ehekutibo.

Pinuna din nito ang pakikipagrelasyon ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping na sinabi pa niyang hindi siya nito pababayaan na maalis sa puwesto.

Banggit ni Sereno dapat ay nagpunta na rin siya sa China at nagpasaklolo sa pangulo ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?