279
rodrigo-duterte
Mar 15, 2018 @ 19:09
By

Duterte pinagbantaan ng labor groups sa isyu ng contractualization

PATULOY na sinusumbatan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga manggagawa sa pangako nito na wawakasan ang kontraktuwalisasyon.

Ayon sa Federation of Free Workers at Kilusang Mayo Uno, unti-unti nang nawawalan ng tiwala ang mga manggagawa kay Pangulong Duterte.

Ito ay dahil dalawang taon na ang kanyang pangako simula pa noong panahon ng kampaniya ukol sa wakas ng ‘contractualization’ at ‘endo’ sa sektor ng paggawa.

Nagdududa na anila ang mga manggagawa kung tutuparin pa ng Punong Ehekutibo ang kanyang pangako.

Paalala pa ng dalawang grupo sa Pangulo, mahalaga sa mga Filipino ang ‘palabra de honor’ o ang pagkakaroon ng isang salita at pagtupad sa pangako kahit na anong mangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?