1,768
Duterte: Pinabalik-balik ka sa permit? Murahin, barilin mo
By

Duterte: Pinabalik-balik ka sa permit? Murahin, barilin mo

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na igiit ang karapatan at magsalita kapag pinapabalik-balik sa kanilang transaksiyon sa gobyerno.

Sa harap na rin ito ng natuklasang mabagal na transaksiyon sa mga ahensiya ng gobyerno na inaabot pa ng dalawang taon o higit pa.

Sa kanyang talumpati sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan, sinabi ng Pangulo na ayaw niya sa lahat na pinapabalik-balik ang isang may transaksiyon sa gobyerno.

Nagiging ugat aniya ito ng korapsiyon dahil napipilitan ang mga may transaksiyon na magbigay para mapadali ang pagproseso sa kanilang nilalakad sa ahensiya.

“Ang tao pag pabalik-balik… Kayo rin kasi — that’s the problem with the Filipinos — ayaw ninyong mag-assert. Ayaw ninyong mag-ano… Konting tapang lang naman ‘yan eh. Kung kayo ay pabalik-balikin tapos magsusuplado ‘yung mga empleyado p** — sabihin mo, p***** i** ka nagbabayad ako ng buwis. Huwag mo akong ganunin,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa Davao City ay tatlong araw lang ang proseso ng pagkuha ng permit at kapag nagtagal ay ipinapatawag ang mga opisyal at kapag hindi maayos ang dahilan ay inililipat sa ibang lugar.

Dahil dito hinimok ng Pangulo ang mga Filipino na magsumbong kapag pinapatagal ang kanilang transaksiyon at kapag hindi pa rin ibigay ay pabirong sinabi na barilin na lang ang mga ito.

“Ngayon kung kayo naman bigay nang bigay, sinabi ko na nga sa inyo eh pag ayaw ibigay ‘yung permit mo, barilin mo. Sabihin mo p***** i**** ‘to. Pilipino ako pinagkakwartahan pa ako,” dagdag pa ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?