68

Oct 26, 2017 @ 18:40

Duterte: Philippine Rise, amin ito!

Opisyal nang inangkin ng Pilipinas ang Philippine Rise o dating Benham Rise na isa sa mga teritoryong inaangkin ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Change of Command ceremony sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bahagi ng tungkulin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bantayan at idepensa ang mga teritoryo ng Pilipinas kabilang na rito ang Philippine Rise.

“The Philippine Rise belongs to the Republic of the Philippines. And it is our territory and let it be announced today to the whole world that we are claiming it for our people and country.

This was complemented by active pursuit of a trilateral cooperative arrangement with Malaysia and Indonesia to address security concerns in our adjacent waters,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang Philippine Rise ang isa sa mga teritoryong iniikutan ng China sa West Philippine Sea subalit sa halip na pagbawalan ang mga ito ay hinayaan lamang ng gobyerno na mangisda sa lugar para hindi mauwi sa alitan o girian.

Matatandaang nagkalamat noon ang relasyon ng Pilipinas at China matapos maipanalo ng gobyerno sa ilalim ng Aquino administration ang claim sa mga inaangking isla ng China sa United Nations Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?