54

Jul 22, 2019 @ 19:45
By

Duterte payag magpakulong sa ICC basta unli conjugal visit

Ayos lang kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpakulong sa International Criminal Court (ICC) pero may kondisyon.

Sa pagsasalita niya sa ikaapat na SONA nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na payag siya kung pagkakalooban siya ng unlimited aircon at conjugal visit, o iyong pagpayag sa isang inmate na makasama ng ilang oras ang bisita, na kadalasan legal spouse niya, at maaaring magkaroon ng pagtatalik.

“Extrajudicial killings? Report to the ICC (International Criminal Court)? Go ahead. As long as I have a comfortable cell,” wika ng Pangulo.

“It should be heated during wintertime, installed with air-conditioning during the hot weather. And conjugal visits, unlimited. Para we can understand each other,” dagdag pa niya na nagpatawa sa audience na nasa SONA sa Batasang Pambansa.

Nahaharap sa pagtuligsa globally ang Presidente dahil sa umano’y madugong war on drugs nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?