12

Jun 10, 2021 @ 11:49
By

Duterte pasalamat sa China sa tulong ngayong pandemya

Muling nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Tsina sa maagap na pagtulong sa Pilipinas sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang mensahe ng Pangulo ay ipinaabot kay Chinese President Xi Jinping sa ika-46 na selebrasyon ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at China.

“In the face of the challenges of a global pandemic, China’s timely acts of solidarity and assistance have helped the Philippines take crucial steps towards healing and economic recovery,” anang mensahe ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na malalim ang ugnayan ng Pilipinas at China  dahil sa ilang dekada ng pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.

Matatandaang ang China ang unang nagpadala ng isang milyong dose ng COVID vaccine sa bansa bilang donasyon sa pamamagitan ng Sinovac Biotech.

Nasundan pa ito ng ilang libong vial ng Sinopharm vaccine na ginamit sa mga opisyal at tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?