1,493

Dec 3, 2021 @ 15:55
By

Duterte papakulong sa ‘Munti’: Ipatapos ko ‘yung mga tattoo ko

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit mas gusto niyang makulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa kanyang talumpati sa Zamboanga City kahapon, muling iginiit ng Pangulo na hindi siya papayag na litisin ng International Criminal Court dahil sa umano’y crimes against humanity sa kanyang war on drugs.

“I am a Filipino. If there is somebody who will prosecute me, it should be the Philippine Prosecution Service where I was a member. Kung magharap lang naman ako ng tribunal, it should be before a Philippine court. And kung ipakulong ako, gusto ko Pilipino na huwes ang magpakulong sa akin kung may nakita siya na mali,” anang Punong Ehekutibo.

“At kung magpakulong ako, hindi ako magpakulong sa maski saan. Sabi nila ‘yung mga kulungan nila parang hotel, eh dito ako sa Muntinlupa at ipatapos ko ‘yung mga tattoo ko dito sa kamay. Mayroon ako dito eh. May bulaklak ako dito sa (braso). Iyan ang ginagamit ko pagka maglandi ako sa… start to flirt… Pinagyayabang ko ‘yung tattoo ko,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?