205

By

Duterte ‘panic mode’ na sa ICC – Tinio

Sharing is caring!

Kinantiyawan ni ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio si Pangulong Rodrigo Duterte na natakot umano sa imbestigasyon ng International Criminal Court(ICC) sa kasong isinampa laban dito kaugnay ng mga pagpatay noon ng Davao death squad at mga kaso nang pagpatay sa gitna ng war on drugs ng administrasyon.

Ayon kay Tinio, nasa “panic mode” ang Pangulo kaya bigla itong nagdesisyon na kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.

Sabi ng kongresista, malinaw na self-serving o makasarili ang motibo sa pasya ni Duterte dahil gusto lamang nitong iligtas ang sarili sa hurisdiksyon ng ICC.

“Saving his own skin has taken precedence over the long-term international commitment made by the Philippine State to human rights and against impunity when it became a party to the Rome Statute,” ani Tinio.

Pero giit ng mambabatas, ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay hindi magliligtas sa Presidente sa hurisdiksyon ng ICC.

“Article 127 of the Rome Statute, on Withdrawal, states that the withdrawal shall come into effect one year after receipt of notice,” banggit ni Tinio.

Hindi rin umano ito nangangahulugan na ligtas na ang isang bansa sa mga obligasyon at hindi rin maapektuhan ang kooperasyon nito sa ICC para sa criminal investigation lalo na kung nasimulan na ito bago pa naging epektibo ang withdrawal.

“Whether he likes it or not, he will be held accountable,” diin ng kongresista.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?