99

Nov 20, 2021 @ 11:00
By

Duterte: Pagtakbo sa ilalim ng PDDS, political strategy

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na political strategy ang dahilan kung bakit ito tumakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa halip na sa PDP-Laban na kanyang partido.

Sa kanyang pagharap sa mga lokal na opisyal ng PDP-Laban sa Oriental Mindoro bago mag-weekend, sinabi ng Pangulo na isa itong strategic decision na kalaunan ay maiintindihan din ng mga tao.

“For those asking why we used the CONA of our allied political party, PDDS, it can be summed up in two words, political strategy,” anang Pangulo.

Hindi aniya ito labag sa batas ng partido dahil pinapayagan itong makipag-alyansa sa ibang partido politikal para mapalakas ang tsansa ng panalo sa 2022 elections.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban at PDDS na kapag nagkaisa ang mga ito ay magtatagumpay sa darating na eleksiyon.

“Under the PDP Laban Constitution (Article XXII, Section 4), our party can enter into alliances with other political parties to strengthen our chances of achieving victory in the 2022 national and local elections,” dagdag ng Pangulo.

Iniiwasan aniya ng Pangulo at mga katiket nito na ma-technical knockout dahil sa pagkakaroon ng dalawang paksyon ng partido kaya gumamit sila ng political strategy sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa isang partido na kinikilala ng Commission on Elections.

Ang pagkahati aniya ng partido ay dahil sa kagagawan ni Senador Koko Pimentel matapos itong magbitiw bilang presidente ng partido at itinalaga si Senador Manny Pacquiao nang hindi ikinonsulta sinuman sa partido.

“It was a quarrel created by Pimentel. Ang una niyan yung talagang nag-resign siya pagka-presidente sa partido at tinulak niya si Pacquiao without consulting anybody. That was it,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?