196
Duterte: Pagsiwalat sa narco list bago mag-eleksiyon, bahala na si Año
By

Duterte: Pagsiwalat sa narco list bago mag-eleksiyon, bahala na si Año

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang pangalan ng mga narco-politician bago ang nakatakdang eleksiyon sa Mayo.

Sinabi ng Pangulo na nasa desisyon na ni DILG Secretary Eduardo Año kung inaakalang makakatulong ito sa kampanya kontra iligal na droga.

Binigyang-diin ng Presidente na galit siya sa droga kaya anumang hakbang na magagawa para mabawasan ang problema ay susuportahan niya ito.

Hindi aniya ito makikialam sa trabaho ng DILG secretary kaya’t hahayaan niyang kumilos ito batay sa kanyang pagpapasya.

“Yes and yes. Or would you rather — hindi na talaga lalabas ‘yung pangalan nila? Galit ako sa droga. It’s up to Año to decide on that. I do not interfere in his job,” anang Pangulo.

Nauna rito inihayag ng kalihim na nais niyang maisapubliko ang pangalan ng mga kandidatong nasa narco list para magkaroon ng pagkakataon ang mga botante na makapili at makapagpasya ng kanilang iboboto sa darating na eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?