104

Apr 20, 2021 @ 10:22
By

Duterte: Pagbawi sa mga teritoryo sa WPS tiyak madugo

Hindi maiiwasang dadanak ang dugo sakaling igiit ng Pilipinas ang pagbawi sa kanilang mga teritoryo na inaangkin ng China.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular Talk to the People matapos punahin ng mga kritiko ang pananahimik nito sa pagkalat ng mahigit 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef a iba pang isla sa Spratly Islands.

Sinabi ng Pangulo na na mababawi lamang ang mga inangking teritoryo ng China kung gagamit ng puwersa subalit ang kapalit nito ay karahasan.

“No way we can get back nitong Philippine Sea without any bloodshed. Iyan talaga ang totoo. Amd if we go there really to find out and assert our jurisdiction, I said it would be bloody,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na kahit pa kakampi ng gobyerno ang Amerika sa isyung ito, hindi aniya ito sasaklolo kung ang pagkilos ay nagmula sa Pilipinas.

” Kung sabihin mo na ang America will go to war because of the Philippine Sea tapos tayo ang nag-umpisa, batay doon sa Mutual Defense Treaty, –only if we are being attacked and assaulted. It does not include a war that is initiated by us,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang isyu sa West Philippine Sea ay mananatiling malaking kuwestiyon, at posibleng aabot ng matagal na panahin bago ito mabawi ng Pilipinas.

“Even if I go there, and sail there and ask questions, wala mang mangyayari. Sasagutin ka lang. But you know, the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?