24

Oct 5, 2021 @ 19:43
By

Duterte: Ordinaryong Pinoy ibotong senador

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na iboto sa pagka-senador ang mga ordinaryong Pilipino.

“Why don’t you get a new… I said masyadong — ‘yang — huwag kayong kumuha ‘yang mga bright, mga brilliant ganoon,” lahad ni Duterte sa “Talk to the People” noong Lunes.

Reaksyon ito ng Pangulo sa pagkadismaya sa aksiyon ng ilang senador partikular na sa ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y korapsyon sa pagbili ng gobyerno ng mga coronavirus supply.

“You know what? Maghanap kayo ng kandidato na ordinaryo na Pilipino. Bigyan ninyo ng panahon at ipakita rin niya. You are better off with ordinary-minded Filipinos,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?