935
duterte
Jan 10, 2018 @ 20:19
By

Duterte, ninong sa kasal ni DSWD Assistant Secretary Michelle Ortega

Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho sa pagpasok ng Enero ay nagawang makadalo ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ninong sa kasal ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Michelle Ortega na ginanap sa Baguio City.

Si Ortega ay ikinasal kay Police Director Gregorio Pimentel ng PNP Directorate for Intelligence, at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandiwa” class of 1985.

Ang okasyon ay pribado subalit kasama sa official schedule ni Pangulong Duterte ngayong December 10.

Kasama rin sa mga ninong sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at senador Vicente Sotto III.

Sinasabing ang groom ay kaibigan ni Pangulong Duterte.

Pagkatapos ng seremonya ay bumalik agad sa Metro Manila ang Presidente para pangunahan naman ang isa pang mahalagang aktibidad, ang paglulunsad ng “game on, All in for nation building” ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?