472

Apr 19, 2018 @ 11:21
By

Duterte, ninong sa binyag ng anak ni Faeldon

Magkumpareng buo na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Nicanor Faeldon matapos maging ninong sa binyag ng anak nito na si Abram Faeldon.

Dinaluhan ng Pangulo ang binyag ng anak nina Faeldon at Jelina Magsuci na ginanap mismo sa loob ng Kampo Aguinaldo kahapon pagkatapos ng Change of Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod sa Pangulo ay ninong din ng sanggol na si Abram sina Presidential Adviser for Sports Dennis Uy, Special Assistant to the President Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at OCD Administrator Ricardo Jalad.

Si Faeldon ang isa sa mga mahigpit na supporter ng Pangulo noong panahon ng eleksiyon ng Mayo 2016 at nagtitiwala rin ang Presidente sa katapatan nito.

Patunay dito ang ibinigay na pangalawang puwesto kay Faeldon matapos maalis sa Bureau of Customs dahil sa kontrobersiya ng nakapuslit na container van na naglalaman ng ilegal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?