525

By

Duterte negatibo sa kanser

Sharing is caring!

Walang kanser si Pangulong Rodrigo Duterte batay sa resulta ng kanyang medical examination sa Cardinal Santos Hospital.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel secretary Salvador Panelo na inianunsiyo ito ng Pangulo kagabi sa kanilang cabinet meeting.

Negative aniya ang resulta ng kanyang medical tests at maayos ang kanyang kondisyon.

“Sinabi niya sa cabinet meeting na ‘ok ako negative result’. Sorry to disappoint you guys,” ani Panelo.

Pero sinabi ng kalihim na kahit pa positive ang resulta ng colonoscopy at endoscopy ng Presidente ay hindi ito mapipigil sa pagtatrabaho dahil lahat aniya ng sakit ngayon ay nagagamot.

“Pero kahit assuming even na naging positive, that will not stop the President from working dahil lahat naman ng sakit ngayon nagagamot. Saka hindi naman nababaldado yung maysakit eh, nakakapagtrabaho pa rin,”dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang lumakas ang ispekulasyon na may malubhang sakit si Pangulong Duterte makaraang ulitin ang eksaminasyon sa kanya at hindi sinipot ang isang aktibidad nito sa Malacañang noong nakalipas na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?