675

Jun 12, 2021 @ 18:58
By

Duterte, nawala sa balanse

Sa Malolos City, Bulacan dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte para gunitain ang anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas nitong Sabado, Hunyo 12.

Ngunit sa gitna ng wreath laying ceremony sa bantayog ng bayaning si Gregorio del Pilar, muntik ng matumba ang pangulo.

Ito ay habang tumutungtong sa isang platform si Duterte. Sa kanyang pag-ikot ay tila nawalan ng balanse ang pangulo at nahulog sa platform.

Nakuhanan ng reporter na si Johnson Manabat ang pangyayari.


Sa kabutihang palad, naalalayan naman siya ni Gen. Cirilito Sobejana, na katabi niya sa platform. Mabuti na lang din at hindi kataasan ang platform na kanyang tinutungtungan.

Agad namang pinugaran ng mga netizen ang naturang video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?