774

By

Duterte natuwa sa ‘Gramo’

Napanood na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang film documentary na “Gramo” na naglalahad ng mga nagawa ng administrasyon sa kampanya kontra iligal na droga sa loob ng nakalipas na tatlong taon, pati na ang mga hamong kinakaharap ng mga awtoridad at kung ano na ang estado ngayon ng anti-drug campaign.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na nasiyahan ang Pangulo sa film documentary dahil isa ito sa mga adhikain nito — ang malutas ang problema sa iligal na droga.

Sinabi ng kalihim na maganda ang pagtanggap ng publiko sa film documentary dahil iilang araw pa lamang na inilabas ito sa telebisyon at sa social media gaya ng Facebook at Youtube ay umabot na sa kalahating milyon ang nakapanood nito.

“The President was very delighted to watch “Gramo”. The social media, the Facebook likes and loves were burning, and other social media pages, napakadaming shares,” ani Andanar.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na ipapalabas ang film documentary sa mga paliparan sa bansa, lahat ng seaports at bus terminals , pati na sa loob ng mga bus at barko na mayroong entertainment.

Sinabi ng kalihim na nakausap na rin niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) para ipalabas ang “Gramo” sa lahat ng barangay sa bansa

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?