114

By

Duterte nasa Papua New Guinea na

Dumating na sa Papua New Guinea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa dalawang araw na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s meeting.

Mula sa pagdalo sa tatlong araw na Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore ay dumiretso na ito sa Papua New Guinea.

Unang aktibidad ng Pangulo ay ang pakikipagkita sa Filipino community kung saan mayroong 40,000 na mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan na sa nabanggit na bansa.

Kabilang sa delegasyon ng Pangulo ay sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Presidential Spokesman Salvador Panelo at Presidential Communications Operations Office secretary Martin Andanar.

Medyo maluwag ang schedule ng Pangulo kaya may pagkakataon itong makita at makasalamuha ang mga Pinoy sa Papua New Guinea.

Kabilang sa mga dadaluhang event ni Duterte ay ang ABAC Dialogue kasama ang APEC leaders, at APEC Leaders’ Dialogue with Pacific Island Leaders sa Sabado.

Dadalo rin ang Presidente sa gala dinner at cultural performance, na hindi niya nagawa sa Asean summit.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang Pangulo sa ‘Pinas sa Linggo ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?