1,213

Mar 13, 2019 @ 20:14
By

Duterte napamura sa pagpatay sa Grade 9 student

Kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang barbarikong pagpaslang sa Grade 9 student sa Lapu-Lapu City, Cebu na binalatan pa ang mukha at tinanggalan ng lamanloob.

“Kahapon may pinatay ang mga p___, binalatan ‘yung mukha. Tapos ‘yung iba four months old. ‘Yung nag-rape ng four months old patay na ‘yun, p___ ka mauna ka sa impiyerno, leche!” anang Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Isabela.

“Nanghahalik ako ng babae, I embrace women pero ‘di ‘yung rape. Minsan magsabi na halikan mo ako, ‘yakapin mo ako. ‘Yung mga ganun, wala ‘yung patayin mo tapos balatan mo ‘yung…,” dagdag pa niya.

Naungkat din ang nangyaring panggagahasa sa dating aktres na si Maggie dela Riva.

“Sa aming panahon may nire-rape, that’s a crime that goes with humanity, biology ‘yan eh. Pero ‘yung magaganda, I would like to say sorry to Maggie dela Riva, ‘yung rape noon at binabantayan pa namin. Maggie dela Riva, she was really beautiful. How could she have endured such brutality,” anang Pangulo.

Nahatulan noon ng kamatayan ang apat na nanggahasa kay Dela Riva na mula sa mayayamang angkan na sina Jaime Jose, Basilio Pineda, Edgardo Aquino at Rogelio Canal.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?