205

By

Duterte napaaga ang balik sa ‘Pinas

Sa halip na Linggo ay napaaga ng isang araw ang pag-uwi sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa Israel at Jordan.

Pero agad nilinaw ng Malacañang na walang kinalaman ito sa mga isyung politika na mainit ngayon sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magiging huling aktibidad ng Presidente sa Jordan ay ang pakikipagkita sa Filipino community at pagkatapos nito ay diretso na sa airport para bumalik ng Pilipinas.

Batay sa orihinal na schedule, dapat Linggo ng umaga pa ang pagdating ng Pangulo sa bansa.

Pero sinabi ni Roque na wala ng gagawin pa ang Presidente pagkatapos makipagkita sa mga filipino ngayong Biyernes kaya nagpasyang umuwi na sa Pilipinas.

May isang araw na libre si Pangulong Duterte para mamasyal sana sa ilang lugar sa Jordan pero mas nais nitong umuwi na lang sa bansa.

Inaasahang pagdating ng Presidente sa bansa ay ibibida nito ang nakuhang mga trade at business investments at agreements mula sa gobyerno ng Israel at Jordan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?