1,669

By

Duterte, naniniwalang pinahinto ni Quiboloy ang lindol sa Mindanao

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes na naniniwala siyang napahinto ni Pastor Apollo Quiboloy ang lindol na tumama sa Mindanao kamakailan.

Matatandaang nag-trending sa social media ang pahayag ni Quiboloy, na dapat daw na magpasalamat sa kanya dahil pina-stop niya ang lindol noong nakaraang buwan kundi ay marami ang mamamatay.

“Pasalamat kayo sa akin, kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo. Kaya pasalamat kayo ako nagpa-stop ng lindol. Hindi ko sinabi ‘to na walang witness ha, may witness marami,” sabi ni Quiboloy sa Oct. 30 episode ng “Give Us This Day”, isang weekly TV show.

Naniniwala raw ang Pangulo sa sinabing ito ng malapit niyang kaalyado na si Quiboloy.

“I believed in Pastor Quiboloy. When he said stop eh kung nag-stop eh di what’s the trouble?” saad ni Duterte sa launching ng isang hotel sa Davao City.

Gusto rin daw ng Pangulo na magkaroon ng “power” na katulad ng kay Quiboloy para mapa-stop niya rin ang mga corrupt na government official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?