28

Sep 8, 2021 @ 14:52
By , ,

Duterte nanindigan: Red Cross dapat ma-audit

Ipinamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Dick Gordon na tumatanggap ito ng pera sa gobyerno para sa Philippine Red Cross kaya marapat lamang na ma-audit ito.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na malaking pera ang natatanggap ng Red Cross sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Natatakot aniya si Gordon na ma-audit dahil maraming matutuklasan at hindi niya kayang pagtakpan ang mga ito.

“Ikaw na yung i-audit ayaw mo, bakit? So itong sabi ni Gordon na hindi siya pwedeng ma-audit, is takot ka. Takot ka kasi alam mo marami ka ng atraso all throughout the years and you cannot possibly have the time to cover up everything also,” anang pangulo.

Ayon sa presidente, may subsidiya ang Red Cross sa PCSO na isang lottery draw para suportahan ang disaster relief operations bukod para sa lottery draw para sa blood program nito.

“Bakit ka takot? Bakit sabi mo hindi ka tumatanggap ng pera? Tumatanggap ka ng pera galing sa PAGCOR, tumatanggap ka ng pera sa PCSO,” dagdag ng pangulo.

Hindi aniya maaaring hindi ma-audit ang perang tinatanggap ng Red Cross ni Gordon dahil pera ito ng Republika ng Pilipinas at nakasaad sa batas na kung sino man ang tatanggap nito ay siyang responsable sa pinaggamitan ng pondo.

“I would like to contradict you publicly and maybe lecture you, pareho man tayong abogado. Kung ang nimong Red Cross mo tumatanggap ng pera, gumagastos ng pera ng gobyerno, ng Republika ng Pilipinas, you are subject to audit, hindi puwedeng hindi. Pera ng gobyerno eh,” wika ng pangulo.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na matagal ng hinawakan ni Gordon ang Philippine Red Cross kaya dapat palitan na ito dahil kinokontrol niya na parang pag-aari niya ito.

“Ikaw Gordon, mahilig kang mag-imbestiga ng anomalya, katiwalian pero pagdating sa iyong Red Cross na hinawakan mo, parang propriyedad mo for the longest time hindi ka na natanggal diyan, dapat palitan ka na. Pero kontrolado mo kasi eh,” dagdag pa ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?