102

Dec 15, 2020 @ 18:26
By

Duterte nanginginig sa takot sa ICC – Trillanes

Hindi nakakagulat ang pinakabagong mga natuklasan ng International Criminal Court (ICC) na nagsasabing may rasonableng basehan para paniwalaan na nagkaroon ng ‘crime against humanity’ sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, kung maaga lang umanong inaksiyunan ng ICC ay maraming buhay ang naligtas sa giyera ng gobyerno kontro droga.

“It doesn’t come as a surprise. It is a bit troubling though that it took them over 4 years of daily killings to find ‘reasonable basis’. Perhaps if they acted sooner, thousands of lives could have been saved,” sabi ni Pangilinan.

Target ng ICC na tapusin ang preliminary examination sa sitwasyon sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2021.

Samantala, sinabi naman ni dating senador Antonio Trillanes IV na malapit nang singilin si Duterte at kanyang mga tauhan sa pagkamatay ng libong mga Pinoy sa brutal na giyera kontra droga.

“The time for reckoning is near for Mr. Duterte, his cohorts and enablers. They have to answer for the thousands of Filipino lives killed during his brutal war on drugs,” sabi ni Trillanes.

Bagama’t hindi aniya kinilala ni Duterte ang ICC, tiyak umanong nanginginig na ito sa takot sa ginagawang imbestigasyon sa kanyang war on drugs.

“Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure nanginginig na ‘yan sa takot,” ayon pa kay Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?