Duterte, namangha sa ganda ni Kim Chiu

Sharing is caring!

Hindi nakaligtas sa paningin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagandahan ni actress Kim Chiu sa pagsasalita ng una sa isang job fair sa Cebu noong Labor Day.

Naglilitanya si Pangulong Duterte nang mapahinto siya sa pagsasalita nang masilayan si Kim Chiu, na isa sa mga host sa naturang event.

Sabi ni Pangulong Duterte sa Bisaya: “Pero siya man na si Kim Chiu? Ikaw iyan, ma’am? Di, niingon ko ‘gwapa ka’.” (Siya ba ‘yan, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, ma’am? Sabi ko ‘ang ganda mo’)

Kita namang natuwa si Kim sa papuri na ito ng Pangulo sa video na ipinoste ng Radio TV Malacañang.

Sumigaw ito ng “Thank you!” sa Pangulo.

Sa kanyang Instagram account ipinoste ni Kim ang larawan nila ni Pangulong Duterte na nilagyan niya ng caption na:

@chinitaprincess: What a great experience!!!! just finished hosting an event for labor day here in my home town CEBU and in the presence of the President of the Philippines, Pres. Rodrigo Duterte!!!👊🏻🇵🇭 ang galing!! never thought of this moment!!! kulba jud pero lingaw kaayo ug feeling! thanks @akosimangtomas for being a great co-host bisaya/waray represent! may 1, 2018 this experience will definitely one for the books!!! 😉 daghang salamat!!!!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?