79

Apr 15, 2021 @ 22:25
By

Duterte nakiramay sa pagpanaw ni PLLO Sec. Sitoy

Nag-alay ng isang minutong panalangin si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga gabinete sa pagpanaw ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Adelino Sitoy.

Nasa kalagitnaan ng kanyang Talk to the People ang Pangulo nang matanggap ang balita sa pagpanaw ng kalihim.

Ayon sa Presidente, si Sitoy ang pangalawang miyembro ng gabinete na pumanaw, una ay si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Sinasabing na-cardiac arrest si Sitoy dahil sa COVID-19.

Agad namang naglabas ng pahayag si Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpanaw ni Secretary Sitoy.

“The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office.

“We pray for the eternal repose of the good Secretary. Our thoughts and prayers are with him and his family,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?