18

Aug 30, 2020 @ 22:46
By

Duterte nakiramay sa mga biktima ng Jolo twin bombing

Kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque na dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu matapos ang naging pagsabog noong Lunes.

Ayon kay Roque, nakiramay ang Pangulo sa mga biktima ng twin bombing na kumitil sa buhay ng 15 katao, kasama dito ang walong sundalo.

“This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo.

“He is expected back in Manila tonight,” aniya pa.

Matatandaan na hinayag ni Duterte sa ‘Singing for the President’ online concert na dadalaw siya sa Jolo para bigyang pugay ang mga sundalo at pulis sa lugar.

“I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast site. Mabigyan ko lang ang mga sandalo natin, mga sundalo ko, mga pulis ko ng importansya sa kanilang kamatayan,” lahad ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?