35

Apr 22, 2021 @ 21:14
By

Duterte nakiisa sa Earth Day

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Earth Day 2021.

Sa kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang sambayanan na sumama at suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno para makamit ang pagiging “climate smart” ng Pilipinas sa kabila ng kinakaharap na matinding pagsubok dulot ng COVID pandemic.

“I join the entire nation and the global community in celebrating Earth Day 2021. This occasion reminds us of our inherent responsibility to take care of our planet,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo ang importansiya ng paglahok ng publiko sa mga programa ng gobyerno para sa pangangalaga sa kalikasan at para sa isang luntiang Pilipinas.

Sinabi ng Presidente na ang isang malusog na bansa ay nakatimon sa isang malusog at malinis na kapaligiran.

“As we recover from the adverse effects of COVID-19 pandemic on our lives and economy, let us always bear in mind that a healthy nation is anchored on a healthy and sound environment,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?