57

Dec 13, 2017 @ 12:08
By

Duterte naki-jamming sa press, emosyonal sa pagkanta

Naki-jamming si Pangulong Rodrigo Duterte sa party na ibinigay nito sa mga miyembro at opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC) noong Martes ng gabi.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng Christmas party ang Pangulo sa MPC na ginanap sa Heroes Hall ng Malacañang.

Naka-anim na sunod-sunod na kanta ang Pangulo subalit naging emosyonal ito nang kantahin ang ‘You Raise Me Up’ ni Josh Groban.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang kanta ay nagpapaalala sa kanyang namayapang ina lalo na ang linya sa chorus ng kanta.

“There is no life – no life without its hunger

Each restless heart beats so imperfectly

But when you come and I am filled with wonder

Sometimes, I think I glimpse eternity.

You raise me up so I can stand on mountain

You raise me up, to walk on stormy seas

I am strong, when I am on your shoulder

You raise me up, to more than I can be” ang chorus ng kanta na ginawang narration ng Pangulo sa saliw ng piano.

Tulad ng mensahe sa kanta, sinabi ng Pangulo na ang kanyang ina ang laging pinaghuhugutan niya ng lakas para makalagpas siya sa pinagdaraanang mga problema o pagsubok.

Kabilang din sa playlist ng Presidente ang isa pa niyang paboritong kanta na “Ikaw” na nilagyan ng dedication na ‘to someone from someone’ at nagtago sa division ng Heroes Hall habang kinakanta.

Ang ibang kinanta niya ay “Send in the Clowns”, “Usahay”, “Matud Nila” at “Bridge Over Troubled Water” .

Game rin sa kantahan sina Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, Presidential Spokesman Harry Roque at Special Assistant to the President Bong Go na ginanahan din at naging sunod-sunod ang pagkanta kasama ang isang live band.

Ito ang unang pagkakataon na nag- host ng isang masaganang pagtitipon si Pangulong Duterte sa MPC at unang pagkakataon ding opisyal na naipakilala sa kanya ang mga mamamahayag na regular na nagko-cover sa kanya sa kahit saang lupalop ng bansa maging sa kanyang presidential trips sa abroad. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?