76
rodrigo-duterte-
By

Duterte nakatakdang magpahayag sa publiko ngayong Martes

Sharing is caring!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsalita sa sambayanan kaugnay sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng kanyang gobyerno sa Martes, Setyembre 11.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na itinakda ang pagsasalita ng Pangulo Martes ng hapon sa Malacañang.

Tumanggi namang ihayag ni Roque kung ano ano ang mga tatalakayin ng presidente, at sa halip ay hinimok ang publiko na hintayin na lamang ito ngayong Martes.

“Well he announced in Davao that he wants to speak to the nation and it is scheduled for tomorrow afternoon. Let’s wait for tomorrow,” ani Roque.

Sa kabila ng mataas na rating ng Pangulo sa mga survey ay sari-saring problema ang kinakaharap ngayon ng kanyang administrasyon gaya na lamang ng mataas na inflation na nag-ugat sa mataas na presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, isda, gulay at mga karne.

Bagamat inihayag ng Palasyo na may mga ginawang hakbang para matulungan ang mga mahihirap na mga Filipino, hindi pa rin maawat ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin na sumasabay sa mataas na presyo ng krudo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?