90

Jun 3, 2019 @ 11:04
By

Duterte nakamonitor sa fish kill sa Taal Lake

Pinakilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na mahigpit na imonitor ang sitwasyon ng fish kill sa Taal Lake sa Batangas.

Kasunod na rin ito ng tone-toneladang isdang lumutang sa Taal dahil umano sa pagbabago ng temperatura at pag-angat ng asupre sa lawa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iniutos din ng Pangulo sa mga opisyal na magpatupad ng mga hakbang para maging minimal ang epekto ng nangyayari ngayon sa Taal.

“The President has directed the appropriate government offices to closely monitor the situation, particularly the water quality in Taal Lake,” ani Panelo.

Iniutos rin ni Duterte ang mahigpit na pagbabantay sa presyo at supply ng isda, at tiyaking sariwa ang mga ibenebenta sa mga palengke.

“He ordered increased vigilance over the prices and supplies, as well as the freshness of fish sold in the market,” dagdag pa ni Panelo.

Winarningan din ng Malacañang ang publiko na iwasang magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa fish kill para hindi magdulot ng pagkabahala sa mga tao.

“The public is cautioned to refrain from spreading false news on the matter which may only cause undue alarm,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?