3,142

By

Duterte nais simulan ang subway bago ang 2022: ‘Roxas, maski tulay walang nagawa!’

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makikita niya ang pagsisimula ng excavation para sa Japan-funded Metro Manila subway bago matapos ang kaniyang termino sa 2022.

“Pag magdating ‘yung boring machine ng Japan at least before I leave the presidency, kung buhay pa ako, I said sana pagbigyan ako ng Diyos makita ko naman na ano. I’m not trying to say na remember me. As a matter of fact, ‘pag wala na ako, forget me. Ako, ‘yung personal satisfaction kung may ginawa ako. Ginawa ko lahat,” saad ni Duterte sa isang speech sa Isabela.

Saad ni Duterte sinulong niya ang pagpapagawa ng P350 billion subway na magdurugtong sa Mindanao Avenue sa Quezon City at Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City dahil pinigilan umano ng ilang politiko ang kaniyang planong paggamit ng emergency powers upang masolusyunan ang nakamamatay na trapik sa EDSA.

Saad niya, ang proyekto ay naging posible lamang matapos na magdesisyon ang Japan na pondohan ang naturang proyekto.

“So anumang pagkulang ko? Wala ako. Anong pagkulang nito ni (Gary) Alejano, (Bam) Aquino, (Chel) Diokno, (Flor) Hilbay, (Romy) Macalintal, (Mar) Roxas, (Erin) Tañada, (SAmira) Gutoc? Anong ginawa nila beh? Maski isang bridge (wala),” saad ni Duterte.

“Ito si p***** i**** Roxas na ‘to. Matagal na man ito. Nakagawa ba siya maski bridge? Naging secretary ng DOTC (Department of Transportation and Communication), naging DILG (Department of Interior and Local Government). Walang naiwan,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?