20

Jan 7, 2022 @ 9:47
By

Duterte: Nagwala mga mikrobyo sa planeta!

Patong-patong ang problema ng bansa dahil sa sunod-sunod na paglabas ng COVID variants.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa at paglutang ng iba’t ibang COVID variant.

Ayon sa Pangulo, nagwala ang mga mikrobyo sa mundo at mabilis na kumalat na parang apoy kaya kinakailangang harapin ang pagsubok na hatid ng mga ito.

“Alam mo nagpatong ‘yung problema natin ngayon. So nagwala ang — the microbes in the planet Earth is spreading like a wildfire. And we can only offer to our countrymen the best of the medical care that’s around that enable us to deal with the challenges every now and then,” anang Pangulo.

Dati aniya ay ang orihinal na COVID-19 lamang ang problema subalit nadagdagan ito ng Delta, Omicron at ngayon ay may bagong natuklasan sa Eruopa na IHU.

Sinabi ng Pangulo na palagi itong nakasubaybay sa mga balita at kaganapan sa iba’t ibang bansa kaya alam nito ang mga lumalabas na bagong variants ng COVID-19 na kumakalat ngayon sa buong mundo.

“Originally it was COVID-19, then it went to connect with this Delta, and then ito ngayong bago Omicron, tapos may reported cases of a new variant emerging in the countries of Europe ‘yung IHU pati I think in… I don’t know I’m not sure but I just heard it from the international networks may bago corona,” dagdag ng Pangulo.

Medisina aniya ang kailangan sa pagtugon sa nararanasang pandemya at lahat ng mga hindi bakunado laban sa COVID-19 ay huwag payagang pagala-gala para hindi makahawa ng mga tao.

“It’s always medical care. Medical ‘yan so ang importante medicines. Aside from that, ‘yung prevention of people na unvaccinated would go around baka alam na nila — hindi nila alam mayroon na sila and they would go around. And because they are not vaccinated if they are also contaminated, they would spread the disease among his fellowmen,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?