108

May 25, 2019 @ 15:05
By

Duterte nagtalaga ng mga bagong deputy commissioner sa Customs

Naglagay si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong deputy commissioner sa Bureau of Customs (BOC).

Sa inilabas na mga dokumento ng Malacañang, hinirang ng Pangulo sina Raniel Ty Ramiro, Vener Sia Baquiran at Donato San Juan kapalit ng mga dating opisyal ng BOC.

Papalitan ni Ramiro si Ricardo Quinto habang si Baquiran ang sasalo sa puwesto ni Jesus Fajardo at si San Juan naman ang papalit kay Gladys Rosales sa BOC.

Hindi binanggit ng Palasyo kung ang mga pinalitang opisyal ay natapos na ang termino.

Matatandaang mainit si Pangulong Duterte sa BOC dahil sa mga natuklasang iregularidad lalo na sa mga ipinupuslit na mga kargamento kaya naglagay ito ng retiradong heneral para pangasiwaan ang ahensya.

Kabilang sa mga bagong appointees ni Pangulong Duterte ay 27 mga director at schools division superintendents ng Department of Education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?