180
Duterte nagtalaga ng bagong SSS president
Apr 1, 2019 @ 14:44
By

Duterte nagtalaga ng bagong SSS president

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Social Security Commission Chair Aurora Cruz Ignacio bilang bagong pangulo at chief executive officer ng Social Security System (SSS).

Papalitan ni Ignacio si Emmanuel Dooc na nagbitiw sa puwesto.

Noong nakaraang buwan nagsumite si Dooc ng kanyang resignation letter sa Pangulo matapos maging epektibo ang bagong “SSS charter” na awtomatikong nagtatapos sa kanyang termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?