289

By

Duterte nagsising tumakbo bilang Pangulo, Sara binalaan

Napapagod na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa speech ni Duterte sa Cagayan De Oro, sinabi nitong kanyang pinagsisihan na tumakbo sa pagka-Pangulo dahil nawala na umano ang gana nitong magtrabaho.

“I lost my enthusiasm to work. Actually, I deeply regretted it. I regretted my decision to run for president,” ayon kay Digong sa report ng GMA.

“…if you ask me if I’m happy now, I won’t lie. Why would I? I do not have any obligation to you to lie, to tell a lie. I’m sick and tired of this,” aniya pa.

Kaya binalaan din nito ang anak na si ngayo’y Davao City Mayor Sara Duterte na pag-isipang mabuti kung tatakbo ba sa 2022 dahil kung siya ang masusunod ay hindi niya ito papayagan.

“I told her, ‘Don’t do it, ‘Day. You will not be able to control it. They will disrespect you,” saad ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?