38

By

Duterte nagsagawa ng aerial inspection sa mga dinaanan ng Ompong

Sharing is caring!

Tinignan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa himpapawid ang mga lugar na nahagupit ng bagyong Ompong nitong Linggo ng hapon, Setyembre 16.

Matapos nito ay dumiretso si Duterte sa isang press briefing sa Tuguegarao City upang malaman ang sitwasyon ng lungsod sa Cagayan.

Sinabi ni Duterte na minamadali na ng gobyerno ang mga pagtulong sa kababayang nasalanta ng bagyo upang mapabilis ang pag-ahon sa unos.

“One is just to assure the people that the government is present… we have to go back to normalcy as soon as possible,” saad ni Digong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?