Duterte, nagpasalamat sa tulong na mga baril ni Putin

Sharing is caring!

Personal na nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian leader Vladimir Putin sa pagbibigay nito ng mga baril sa military ng Pilipinas.

Sa report ng AFP News, sinabi ng Pangulo na gusto niyang bumili pa ng karagdagang mga baril sa Russia sa mga darating na panahon.

Matatandaang noong nakaraang buwan, nagpaabot ang Russia ng mga army trucks at libong Kalashnikov assault rifles kay Digong nang bumisita si Russian Defense Minister Sergei Shoigu.

Ito ay pinaniniwalaang unang pagkakataon na ginawa ng Russia sa Pilipinas.

Inamin ni Duterte na nahirapan ang kanyang militar dahil sa kakapusan sa malalakas na baril noong Oktubre sa limang buwang sagupaan ng militar sa Marawi City laban sa Maute-ISIS group.

“These are high-precision weapons. We had to lead a new type of warfare, we had to fight snipers… we were fighting back house-by-house. That’s not so easy,” ani Duterte kay Putin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?