duterte

Duterte, nagpaliwanag sa chewing gum habit

Sharing is caring!

Kilala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusuot ng casual na damit kahit pa sa pakikipagpulong sa mga world leader, may ugali rin itong ngumunguya ng bubble gum kahit sa publiko.

Paliwanag ng Pangulo, ginagawa niya ang pagnguya ng chewing gum para maibsan ang kondisyon sa kanyang gulugod o spinal.

Sinabi niya ito sa isang talumpati kung saan nagsuhestiyon siya kung paano siya masusuklian ng mga tao sa ginawa niyang public service.

“Just pay me chewing gum because it eases up the pain when I’m chewing,” aniya sa transcript ng talumpati na nakuha ng AFP.

May kinalaman umano ito sa kanyang “spinal” condition pero hindi na niya ito ipinaliwanag pa.

Noong 2006, inamin ng Punong Ehekutibo na gumamit siya ng fentanyl, malakas na painkiller na madalas nirereseta sa mga sakit na dulot ng cancer at iba pang malalang sakit, dahil umano sa spinal injury na natamo niya nang maaksidente noon sa motor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?